No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga apektado ng bagyong Egay sa Bambang, tumanggap ng ayuda mula sa LGU

Nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong ‘Egay’ ang Municipal Local Government Unit (MLGU) ng Bambang, Nueva Vizcaya upang muling matulungan ang mga magsasaka na bumangon matapos ang hagupit ng nasabing bagyo sa kanila. Photo from Mayor BCuaresma FB Page

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong ‘Egay’ ang Lokal na Pamahalaan ng Bambang upang muling matulungan ang mga magsasaka na bumangon matapos ang hagupit ng nasabing bagyo sa kanila nitong buwan ng Hulyo.

Pinangunahan ni Mayor Benjamin Cuaresma III ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng barangay Sto. Domingo West at barangay Pallas kamakailan kasama ang mga barangay official.

Ang mga naibigay na tulong ay vegetable seeds, food packs at tulong pinansyal sa 217 high value crop farmers at 165 corn farmers na matinding naapektuhan ng bagyong ‘Egay’ sa bayan.

Dahil dito, nagpasalamat si Cuaresma sa mga kawani ng MLGU na tumulong upang gumulong ang ayuda para sa mga mamamayan, katuwang ang mga barangay captains.

“Makakaasa po kayong patuloy ang ating pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan, lalo na ang mga nasalanta ng kalamidad upang muli silang babangon at ipapatuloy ang kanilang kabuhayan para sa kanilang pamilya,” pahayag ni Cuaresma. (MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch