[Alagaan, i-maintain at linisan niyo itong evacuation center para magtagal na magamit.]
Samantala, mas magiging maayos at mas komportable na ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad ang Barangay Capanickian Norte matapos naman pormal na i-turn over ng lokal na pamahalaan ang bago nilang multi-pupose gymnasium.
Ayon sa alkalde, nais nila na lahat sana ng mga barangay ay mayroong multi-purpose gymnasium na maaari nilang gamitin sa iba’t-ibang okasyon.
Gayunman, sinabi nito na ang iba pang mga barangay sa ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng sariling multi-purpose gymnasium dahil wala pang nahahanap ang LGU na lote na maaaring pagpatayuan.
Ayon naman kay Vice Mayor Yvonne Kathrina S. Florida, nararapat lamang na maibalik sa taumbayan ang pera ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto gaya na lamang ng pagpapatayo ng multi-purpose gymnasium.
Ang nasabing multi-purpose gymnasium ay nagkakahalaga ng limang milyong piso at may lawak na 5.182 metro at haba na 30 metro na kasing lawak ng isang basketball court, ayon kay Engr. Ronald J Cabalang, ang municipal engineer. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)