LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! ilabas na ang mga barya! Hatid ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang karagdagang coin deposit machines (CoDM).
Ayon sa BSP, available na ang mga karagdagang coin deposit machines sa 3rd Floor, SM Store, Customer Service Area ng SM Megamall at sa Lower Ground Floor Robinsons Supermarket store ng Robinsons Place Metro East.
Sa pamamagitan ng coin deposit machine, maaaring makapagdeposito sa kanilang GCash account.
Samantala, ang pag-convert sa shopping voucher ay available lamang sa CoDMs na matatagpuan sa SM at Festival Mall-Alabang. Magagamit ang shopping voucher sa alinmang SM Stores nationwide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa CoDM, bisitahin ang BSP website sa www.bsp.gov.ph o sa kanilang Facebook page (https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas). (BSP/PIA-NCR)
