Legazpi City, October 5, (PIA) -- Pinayagan ng makauwi sa kanilang mga tahanan ang mga evacuees na ilang buwan ding namalagi sa iba't ibang evacuation centers sa Albay dahil sa naging pag aalburuto ng bulkang Mayon dito ilang buwan na ang nakakaraan.
Ito ay matapos magpalabas ng decampment advisory # 17-2023 ang Albay Public Safety and Management Office o APSEMO ng local na pamahalaang panlalawigan ng Albay nitong Hwebes, Oktubre 1, dakong ala-una ng hapon.
Batay sa naturang decampment advisory, pangunahing dahilan ng pagpapauwi sa mga bakwit o mga evacuees mula sa mga evacuation centers patungo sa kanilang lugar malapit o sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone ay ang patuloyy na paghina ng mga parametron ng aktibidad ng bulkan batay na rin sa monitoring ng APSEMO.
Inaatasan din sa naturang advisory ni Albay Governor Atty. Grex Lagman ang lahat na mga alkalde ng mga lokal na pamahalaang bayan at mga lungsod na sakop ng lalawigan na apektado ng naging pag a-alburuto ng bulkan na pauwiin na ang mga evacuess sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Idinagdag pa ng gobernador na naiintindihan niya ang pangagailangan ng mga evacuees na kailangan ng bumalik sa kinagawian o normalcy ang mga nalikas dahil sa panganib ng bulkan matapos ang mahigit sa tatlong buwang pananatili sa mga evacuation centers.
Maliban sa decampment advisory ng gobernador ay magpapalabas pa ng decampment orders at orders ang bawat LGU sa Albay na siyang dapat sundin ng mga mamamayan dito kaugnay ng kanilang pag uwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Samantala, naninindigan naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ( PHIVOLCS) Mayon Volcano Observatory na nanatili pa din sa Alert level 3 ang bulkang Mayon at may mataas pa din posibilidad na mapanganb pa rin ang mga papasok sa 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan.
Ayon kay Dr. Paul Kaeson Alanis, resident volcanologist ng PHIVOLCS para sa lalawigan ng Albay, nanatili ang kanilang rekomendasyon na dapat ay walang nakatira o pupuntang mga tao sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
Dagdag pa ng opisyal na ang desisyon ng local na pamahalaang panlalawigan ng Albay na pauwiin ang mga evacuees at hindi rekomendasyon ng PHIVOLCS.
Sa huli ay pinayuhan na lang ng ni Dr. Alanis ang mga uuwi sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone na mag-ingat sa banta ng panganib ng bulkan batay pa rin sa kasalukuyang kalagayan nito ngayon.
Pagsiguro ng PHILVOLCS MVO Albay na kung hindi na magkakaroon ng pyroclastic density current o Uson ang bulkang Mayon sa loob ng dalawang linggong ay maaari na ng ibaba ang alert level ng bulkan.
Ayon sa Bulletin no.1 ng National Disaster Risk Reduction and Management Council noong June 10, 2023, umabot sa 2, 638 na pamilya o 9,314 na mga indibidwal and nailikas at pansamantalang naninirahan sa 21 evacuation centers sa Albay. ( MBAtun/PIA 5)