No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga sub-standard na produkto sa Camarines Norte, sinira ng DTI

DAET, Camarines Norte, Oktubre 12 (PIA) – Sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga sub-standard products na nakumpiska ng ahensiya mula sa mga tindahan sa Camarines Norte . Isinagawa ang  naturang aktibidad mismo sa  harapan ng kanilang tanggapan, kamakailan.

Ayon kay DTI Provincial Director Christie A. Rivera, ang mga sinirang produkto ay hindi kasing tibay ng mga pumasa sa product standard test ng DTI.

Pinaalalahanan ni DTI Provincial Director Christie A. Rivera ang mga establisyemento na suriing mabuti ang kanilang mga binibiling produkto na ibebenta upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili dahil sa mga sub-standard na produkto at dapat na mayroon itong Import Commodity Clearance (ICC) at Philippine Standard (PS) Mark. (PIA5/ Camarines Norte)

Nagpaalala si Rivera sa mga establisyemento na suriing mabuti ang mga binibiling produkto na ibebenta upang masiguro na ang mga produktong bibilhin ng mga consumers ay umaayon sa product standard upang maging ligtas ang mga mamimili.

Ang mga sinirang produkto ay walang marka ng Import Commodity Clearance (ICC) at Philippine Standard (PS) mark at mga kaukulang lisensiya at sertipikasyon.

Ang lahat ng mga produktong sinira ay may kabuuang P200,000.00 na penalidad.

Ang mga produkto ay kinabibilangan ng 31 sanitary wares, 12 low carbon steel wires, dalawang PB pipes for potable water supply at tatlong monoblocks chairs na may kabuuang halaga na P66,145.

Samantalang ang tatlong pirasong lead-acid storage batteries, dalawang electric food mixers, dalawang electric kettles, dalawang electric fan at pitong kahon ng christmas lights ay nagkakahalaga ng P8,276 ay nasa pangangalaga ng DTI Region V para sa proper disposal dahil sa hazardous content ng mga ito.

Ito ay isang paglabag sa Section 6 ng DTI-Department Administrative Order (DAO) 2 Series of 2007 na nagpapatupad ng Republic Act 4109 (Standards Law).

Ang naturang gawain ay bahagi ng selebrasyon ng Consumer Month Welfare alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1098 na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Oktubre ng bawat taon.

Tema ngayong taon ang "GenS: Generation Sustainable". (PIA5/ Camarines Norte)

Ang isinagawang destruction of sub-standard products ng DTI mula sa mga nakumpiskang produkto sa mga tindahan sa Camarines Norte na nagkakahalaga ng kabuuang P200,000.00 penalidad. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch