No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

600 benepisyaryo, tumanggap ng ayuda mula sa AICS

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nasa 600 mahihirap ng bayan ng Odiongan ang nakatanggap kamakailan ng ayuda mula sa pondo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Francis Tolentino.


Ang nasabing AICS ay hiniling ng lokal na pamahalaan kay Tolentino upang mabigyan ng tulong ang mga residente ng na nangangailangan ng ayuda.


Pinondohan ito ng opisina ni Tolentino at idinaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapatupad ng programa.


Mahigit 600 na residente ng Odiongan ang nakatangap ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at sa opisina ni Senator Francis Tolentino. (Photo Courtesy: Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala)

Ayon sa tanggapan ni Vice Mayor Diven Dimaala, aabot sa P1.2 million ang inilaang pondo para sa 600 benepisyaryo kung saan nakatanggap sila kada-isa ng tig-P2,000.

Nagpasalamat naman ang mga nakatanggap ng ayuda dahil magagamit umano nila ito sa gastusin nila para sa isang linggo. (PJF/PIA Mimaropa-Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch