No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

RDC sa Rehiyon Uno nagdiwang ang ‘Linggo ng RDC’

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union (PIA) – Ipinagdiwang kamakailan ng Regional Development Council (RDC) sa Rehiyon Uno ang RDC Week na nakaangkla sa temang, “Region 1: Today and Beyond, a Story of Triumph.”
 
Ginugunita sa pagdiriwang ng Linggo ng RDC ang pagkakalikha ng mga RDC bilang pangunahing istruktura para sa pagpaplano ng rehiyon at pinagsama-samang lokal na pagpaplano at programa sa pamumuhunan.

NEDA Ilocos OIC Regional Director Irenea Ubungen hinikayat ang aktibong partisipasyon ng mga kabilang sa lokal at pang-rehiyon na pag-unlad na palakasin pa ang Regional Development Council sa Rehiyon Uno.

Binibigyang-diin din nito ang papel ng mga RDC bilang pangunahing istruktura para sa desentralisadong pagpaplano ng kaunlaran sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga local government units, regional line agencies, non-government organizations, pribadong sektor, akademya, mambabatas, at iba pa na kabahagi sa pang-lokal at pang-rehiyonal na pag-unlad.
 
Sa Rehiyon Uno, ang pagdiriwang ng RDC Week ay nagbigay ng importansya sa mga naging tagumpay sa pangunguna ng RDC bilang pinakamataas na katawan ng paggawa ng patakaran ng rehiyon, at nagpokus din sa mga layunin para sa hinaharap.
 
Hinikayat ni Irenea Ubungen, official-in-charge regional director ng National Economic and Development Authority sa Rehiyon Uno, ang aktibong partisipasyon ng mga kabilang sa lokal at pang-rehiyon na pag-unlad na palakasin pa ang RDC.

“Kinakailangan ‘yong suporta ng lahat ng members po natin. Gaya ng sinabi ko kanina, composed po siya ng tatlo – private sector, ito local government units at saka regional line agencies. Dapat suportahan ng ating mga implementing entities itong atin pong adhikain ng Regional Development Council para sama-sama nating maipatupad ang ating mga adhikain,” ani Ubungen.
 
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa para sa pagdiriwang ng RDC Week ay ang pagsasagawa ng “Kapehan ng RDC” katuwang ang Philippine Information Agency.

Dito tinalakay ang mga napapanahong paksa tulad ng food security, edukasyon, good governance, environmental issues, at ang Regional Development Plan 2023 -2028.
 
Ang Kapehan ng RDC ay sinundan ng pagsasagawa ng 3rd Quarter RDC-1 Full Council Meeting na pinangasiwaan ni RDC chairperson at Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na ginanap sa La Union Convention Center dito sa lungsod.
 
Nauna na rito ay nagsagawa ng mga information dissemination activities ang RDC tungkol sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagpo-post ng social media cards, trivia, audio visual presentations, videos, at press releases sa Facebook page na: Regional Development Council, Region 1. (JCR/AMB/PIA Region 1)

Pinangasiwaan ni RDC Chairperson at Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc ang RDC-1 Full Council Meeting na ginanap sa La Union Convention Center sa lungsod ng San Fernando.

About the Author

April Bravo

Editor

Region 1

April M. Montes-Bravo is an Information Officer III of the Philippine Information Agency (PIA)-Region 1. She is currently the Information Center Manager of PIA Pangasinan Information Center based in Dagupan City and  regional editrix of PIA-Region 1.

Feedback / Comment

Get in touch