No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

11 bansa, nagtatagisan sa World Table Tennis sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isinasagawa sa Lungsod ng Puerto Princesa ang World Table Tennis–Youth Contender competition. Pormal itong nagsimula noong Lunes, Oktubre 15, sa City Coliseum kung saan nasa 107 manlalaro mula sa 150 official delegations na binubuo ng 11 mga bansa ang nagtatagisan dito.

Ang mga bansang lumahok sa WTT ay ang Pilipinas, Singapore, Vietnam, Japan, Chinese Taipe, England, Malaysia, United States of America, Thailand, Hongkong at Korea.

Ayon kay Philippine Table Tennis Federation (PTTF) President at Event Manager Ting C. Ledesma, 66 na manlalaro ng Pilipinas ang sumasabak sa Under-11, Under-13, Under-15, Under-17 at Under-19 na mga kategorya. 'Singles' ang labanan at magkahiwalay ang laro ng mga lalaki at babae.

Sa pagbubukas nito kahapon, inanyayahan ni Mayor Lucilo R. Bayon ang publiko na panoorin ang nasabing pandaigdigang palarong ito na nagaganap sa lungsod upang makapagbigay ng inspirasyon sa mga manlalaro.

“To our kababayan and expectators get ready for a showcase of incredible young talents from 11 countries, as they compete in this historic table tennis championship. Your support and presence make this event even more special, please do come and watch the games to inspire the players to play their best,” ang pambungad na mensahe ni Mayor Bayron.

Ayon kay Bayron, ang kanilang partisipasyon ay hindi lamang pagrerepresenta ng kanilang mga bansa kundi ang pagbubuklod na rin ng tennis community sa buong mundo.

Pinangunahan ni Puerto Princesa Lucilo r. Bayron ang pagbubukas ng World Table Tennis - Youth Contender Competition kahapon, Oktubre 15, 2023 na isinasagawa sa City Coliseum. (Larawan mula sa City Information Department)

“As you, [players] compete in this international stage you are not only representing your countries, but uniting the global tennis community as well,” saad ni Mayor Bayron.

Sinabi din ng Alkalde na asahan pa ang mga susunod na national table tennis championship tulad ng senior level championship sa lungsod sa nalalapit na panahon.

Sa press conference kamakailan, sinabi ni City Sports Director Atty. Gregorio Austria (pangalawa sa kanan) na nasa P5M ang pondong inilaan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa para sa nasabing palaro. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Sa press conference kamakailan, sinabi ni City Sports Director Atty. Gregorio Austria na nasa P5M ang inilaang pondo ng Pamahalaang Panglungsod ng Puerto Princesa para sa palarong ito at inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng lungsod sa iba’t-ibang paraan.

Ayon naman kay Competition Manager Daniel Deleniana, napili ng PTTF ang Lungsod ng Puerto Princesa na maging host ng WTT-Youth Contender dahil madali aniyang kausap ang mga lokal na opisyal ng Pamahalaang Panlungsod at kumpleto sa pasilidad.

Ang PTTF ay una nang nakapagsagawa ng SEA Games Table Tennis National Selection sa lungsod noong nakalipas na mga buwan.

Ayon naman kay WTT-Youth Contender Event Supervisor Tiago Viegas na ang matagumpay na pagsasagawa ng palarong ito ay isang halimbawa ng magandang komunikasyon.

“What I have to say is that from the start of preparation here would be taken as perfect example of a good communication. So, what I hope here is that, from this event, the next step would be senior level event seeder that I hope one day would be possible to make it here,” pahayag ni Viegas.

Ang World Table Tennis-Youth Contender ay mapapanood ng libre at nagaganap sa lungsod sa loob ng tatlong taon. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch