(Tagalog translation)
Kahalagahan ng FPIC, binigyang-diin ng NCIP Benguet
BAGUIO CITY (PIA) -- Binigyang-diin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Benguet ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Free Prior and Informed Consent (FPIC).
Paliwanag ni Rocky Ngalob, Administrative Officer IV ng NCIP-Benguet, ang FPIC ay maihahalintulad sa magandang asal na bago gamitin ang isang bagay ay kailangan munang magpaalam.
"It is a simple etiquette, that you ask first permission before you use something that is not yours, it’s a simple etiquette of knocking on someone’s door before you enter," si Ngalob.
Alinsunod sa Indigenous Peoples Rights Act ang pagsasagawa ng FPIC o konsultasyon at pagkuha ng pahintulot ng mga Indigenous Cultural Communities o Indigenous Peoples sa ipatutupad na proyekto sa ancestral domain ng mga ito.
Aniya, bukas ang kanilang tanggapan sa anumang isyu partikular sa mga sinimulang proyekto na hindi dumaan sa proseso ng FPIC.
Pinayuhan nito ang mga IPs na kung sa tingin nila ay may paglabag o pinagkakaitan sila ng karapatan para sa FPIC ay maaari silang sumangguni sa kanilang opisina.
"Actually, we are encouraging, kung may nakikita kayong mga project na ini-implement na nila na alam ninyo na walang FPIC, meaning, hindi sila nag-conduct ng consultation sa inyo at hindi kayo nagbigay ng pahintulot, we welcome you and we encourage you to document such activities, government man ‘yan or private corporations, and you submit your documentation to the NCIP kasi from there, we can appraise, we can conduct an investigation and validation, after which, from the result of that validation, we will come up with a reasonable action sa mga nangyayari na ‘yan," saad ni Ngalob.
Ang NCIP Benguet ay may apat na service centers na direktang nagbabantay sa mga ancestral domains sa lalawigan.
Kabilang dito ang Bokod Service Center sa Daclan, Bokod na may sakop sa ancestral domain ng Bokod at Kabayan; ang Itogon Service Center sa Ucab, Itogon na may sakop sa Itogon and Tuba ancestral domains; ang Sablan Service Center sa Tublay na may sakop sa ancestral domains ng Kibungan, Kapangan, Tublay, at Sablan; at ang Atok Service Center sa Sayangan, Atok na may sakop sa Atok, Mankayan, at Buguias ancestral domains. (DEG-PIA CAR)