“If ever mag-escalate ang kaguluhan at magdeclare ng alert level 4, huwag na pong makipagmatigasan ng ulo. Magsignify na agad na kayo ay uuwi na. Kasi as long as may Pilipino na naandun, may mga personel na ilalagay ang buhay nila para ikaw ay ma-pull out,” dagdag niya.
Ang mga naiwang pamilya ay maari ding makipag-ugnayan sa kanilang opisina upang mabigyan ng agarang tulong ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang kanilang regional office hotline ay 09499495133 at 1438 para sa central hotline.
“Para sa mga Bicolano na may kamag-anak o mahal sa buhay sa Israel, pag nakausap po ninyo, i-advise po ninyo na huwag na munang lalabas-labas kung hindi naman kailangan. Huwag masyadong pakakampante,” payo ni Bonnet.
Dagdag niya, nakahanda ang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay program ng OWWA na magbibigay ng P5,000 – P20,000 livelihood grant sa mga uuwing OFWs.
"Nagbibigay tayo ng P20,000 pag active ang OWWA membership, P10,000 pagka expired pero may multiple contribution, at P5,000 kapag expired pero may kahit isang hulog. Binibigyan din natin sila ng livelihood assistance depende sa estado ng kanilang membership," pahayag niya.
Nakahanda rin ang P20,000 financial assistance relief. (PIA5/Albay)