No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cybercrime Response Unit ng kapulisan sa Ilocos Norte, binuksan na

Upang mas mapaigting ang kampanya kontra krimen gamit ang internet, inilunsad ang Provincial Cybercrime Response Unit sa Ilocos Norte noong Oktubre diyes. 


Ayon kay Police Brigadier General John Cayaban Chua, Regional Director ng Police Regional Office 1, makakatulong ang naturang opisina sa pagsugpo ng mga cybercrime at cyber-related incident sa probinsiya.

PAGBUBUKAS NG CYBERCRIME RESPONSE UNIT. Nagkaroon ng ceremonial ribbon cutting para sa pormal na pagbubukas at pag-activate ng cybercrime response unit sa Ilocos Norte Police Provincial Office. (PIA)

“Ang paglulungsad ng naturang opisina ay napapanahon ngayon sa pagdami ng cybercrime cases dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya. Dagdag pa nito na, 'mahalaga ang papel ng ating cybercrime group upang palakasin ang pagtugis sa mga online scam at iba pang cyber related activities," mensahe ni Cayaban.


Sa pamamagitan ng cybercrime response unit, tutugon ito sa mga reklamo at report ng mga residente ukol sa mga krimen at insidente online.


Ayon naman kay Gobernador Matthew Marcos Manotoc na nirepresentahan ni Provincial Board Member Rafael Chua Medina, prayoridad ng provincial government of Ilocos Norte na palakasin at paigtingin ang cybersecurity sa probinsiya.

Sa ginanap na programa, ipinakita rin ang Feel Safe Accomplishment sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 at ng Campaign Against Loose Firearms ng INPPO kung saan may animnapung registered firearms with complete papers mula sa mga tatakbo sa nalalapit na eleksyon ang idineposit sa kapulisan. (JCR/MJTAB/LMNC PIA Ilocos Norte)

About the Author

Ma. Joreina Therese Blanco

Writer

Region 1

Ma. Joreina Therese A. Blanco is an Information Officer II of the Philippine Information Agency Ilocos Norte Information Center based in Laoag City, Ilocos Norte. She is currently the Information Center Manager of PIA Ilocos Norte.

Feedback / Comment

Get in touch