No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Linear Park, planong isagawa sa kahabaan ng Manggahan Floodway

LUNGSOD PASIG, (PIA) --Nakipagpulong ang mga kawani ng Production Forest Management Section (PFMS) ng Conservation and Development Division (CDD) sa mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig kailan lamangnoong ika-upang talakayin pagpapatupad ng Linear Park Enhancement Project sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program ng DENR National Capital Region.

Dumalo si Pasig City Mayor Vico Sotto kasama sina Councilor at Chairperson ng Committee on Environment and Ecology ng lungsod, Raymond Francis S. Rustia at City Environment and Natural Resources Officer, Allendri B. Angeles sa pulong na pinangasiwaan ni PFMS Chief, Forester Arturo G. Calderon kasama ang iba pang mga kinatawan ng tanggapan.

Ayon kay Calderon, ang linear park ay planong isagawa sa kahabaan ng Manggahan Floodway sa Brgy. Sta. Lucia sa susunod na taon.

Kaugnay nito, nakapagsagawa na ang mga kawani ng PFMS kasama ang mga kinatawan mula sa City Environment Management Office ng isang initial site assessment sa nasabing daluyang tubig noong Agosto 10 2023.

Sa kasalukuyan, mayroon ng dalawang (2) linear park ang naitayo sa lungsod.

Ang Linear Park Enhancement Project ay may layuning maisayos, maprotektahan, at paunlarin ang mga daluyang tubig sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na espasyo para sa pagtatanim ng mga angkop na halaman na makatutulong para sa pagpapalawig ng urban greening at tuluy-tuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kabilang na rin sa pangunahing layunin nito ang pagpapanumbalik ng buhay-ilang sa lugar at maisulong ang pakikilahok ng mga mamamayan sa komunidad, sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan, para mapanatiling maayos at maunlad ang mga parke. (pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch