No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI Zambales sa mga konsyumer: Magkaroon ng sustainable choices

SUBIC BAY FREEPORT ZONE (PIA) -- Nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) Zambales sa mga konsyumer na magkaroon ng sustainable choices sa kanilang pagbili ng mga produkto at serbisyo.

Sa isinagawang culminating activity cum kapihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Consumer Welfare Month (CWM), binigyan diin ni DTI Provincial Director Enrique Tacbad ang kahalagahan ng responsableng pagkonsumo at ang ang pag-adopt sa sustainable lifestyle. 

Nilalayon aniya nito na hikayatin ang mga konsumer na ipraktis ang sustainability at i-adopt ang mga greener choices sa pagkonsumo ng mga produkto sa merkado.

Hinikayat din ni Tacbad na suportahan ang mga programa ng pamahalaan at mga grassroots effort sa pagpromote ng sustainability.

Bahagi ng aktibidad ang paggawad ng Bagwis Establishment Award sa mga establisyemento sa lalawigan ng Zambales at lungsod ng Olongapo.

Ang Bagwis Award ay parangal na iginagawad sa mga establisyemento na matapat na nagbebenta ng sulit na produkto at serbisyo sa mga mamimili.

Iginawad ang Gold Bagwis Award sa Best Home Furniture, Houseware and Appliance Center, Department Store, at Hardware Plus ng CSI Warehouse Club Inc. at Penshoppe, Forme, Oxygen, at Regatta ng Golden ABC, Inc. 

Tinanggap naman ng Crown Ace Hardware and General Merchandise Inc ang Silver Bagwis Award para sa kanilang main store at Tabacuhan branch ganun din ang Magiclub Inc. (Department Store) sa Sta. Cruz, Zambales habang Bronze Bagwis Award naman ay iginawad sa Edmin Ref at Aircon Service Center ng sa lungsod ng Olongapo.

Samantala, pinangaralan ng DTI Zambales ang mga nagwagi sa CWM Spoken Poetry at E-Guhit Poster Making contests.

Nanguna si Joshua Mas ng Regional Science High School III sa Spoken Poetry habang si Alyssa Nicholclenze Guera ng Columban College Inc. ang kampeon sa E-Guhit Poster Making Contest.

Nasungkit naman ni Kianne Riezl Tizon ng San Guillermo National High School ang ikalawang pwesto sa Spoken Poetry habang nasa ikatlong pwesto si Mark Daniel Toralba ng St. Benilde Center for Global Competence Inc.

Pumangalawa sa E-Guhit si Mary Louise Joy Ramirez  ng St. Benilde Center for Global Competence Inc. habang pumangatlo si Pauline Batinga ng St. James School of Subic, Inc.

Ang mga nanalo ay tumanggap ng mga certificate at cash prize. (CLJD/RGP-PIA 3)

Kinilala ng Department of Trade and Industry Zambales ang mga nagwagi sa idinaos nitong Consumer Welfare Month Spoken Poetry at E-Guhit Poster Making contests. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

About the Author

Reia Pabelonia

Information Officer I

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch