No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 4,000 na DepEd at security personnel sasabak sa 2023 BSKE sa NV

Dumalo ang mga iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan na pinangunahan ng COMELEC, PNP, Philippine Army at Deped ang turn-over ng mga tauhan at kagamitan ng mga National Government Agencies bilang paghahanda sa parating na Barangay at SK Elections sa October 30 sa Nueva Vizcaya. Nasa mahigit 4,990 na kawani ng pamahalaan ang magiging katuwang ng COMELEC sa BSKE sa lalawigan. (Imahe ng PIA-2)

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) -- Mahigit 4,990 na mga kawani ng Department of Education at security forces ang magiging katuwang ng Commission on Elections sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 275 na barangay ng  lalawigan sa October 30.

Malugod na tinanggap ni Atty. Abraham Asuncion, Provincial COMELEC Chief ang mga kawani ng Deped at security forces na kinabibilangan ng Philippine National Police at special units nito na Special Action Force, Weapons and Tactics, K-9, Scene of the Crime Operatives, Highway Patrol Group at  Coast Guard, Philippine Army, Bureau of Fire Protection at mga kagamitan ng mga ito sa isinagawang turn-over program kanina sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa bayang ito.

Ayon kay Asuncion, ang mga kawani ng DepEd at mga security forces, kabilang ang mga kagamitan ng mga ito ay nasa control at pangangalaga na ng COMELEC hanggang matapos ang 2023 BSKE sa lalawigan.

Mahigit 4,990 na security force at DepEd personnel ang katuwang ng COMELEC sa isasagawang 2023 BSKE sa Nueva Vizcaya. Umaasa ang COMELEC na magiging tahimik, maayos at mapayapa ang halalan sa lalawigan. (Imahe ng PIA-2)

“Ako ay nagagalak dahil kayo ay aming katuwang sa  parating na BSKE sa ating lalawigan, umaasa akong magagampanan natin ang ating tungkulin tungo sa mapayapa, maayos at tahimik na halalan sa mga barangay ng ating lalawigan,” pahayag ni Asuncion sa isinagawang turn-over program.

Kasamang dumalo  sa turn-over program ang mga Municipal COMELEC Officers sa 15 bayan ng lalawigan. (BME/PIA NVizcaya)  

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch