No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI: Presyo ng kandila sa Nueva Vizcaya, pasok sa 'suggested retail price'

Nagsagawa ng product at price monitoring hinggil sa mga produktong kandila at bottled water ang mga kawani ng DTI at Local Price Coordinating Council sa 6 na business establishments sa Solano, Nueva Vizcaya. Layunin ng product at price monitoring na siguraduhin na nasa tamang presyo at kalidad ang mga nasabing produkto para sa paghahahnda ng mga mamamayan sa 'Undas' sa susunod na lijnggo. (PIA Image)

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya ( PIA ) -- Nasa loob ng Suggested Retail Price (SRP) pa rin ang mga presyo ng kandila at bottled water sa lalawigan, ayon sa mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI).

Nagsagawa ng product at price monitoring kahapon ang DTI kasama ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council sa bayan ng Solano alinsunod sa utos ni President Ferdinand Marcos, Jr. na siguraduhin na nasa tamang presyo pa rin ang mga produktong kandila at bottled water dahil sa paparating na ‘Undas’ sa susunod na linggo.

Ayon kay Rowena Mayangat, acting DTI Provincial chief, may mga bottled water at kandila ang mas mababa pa sa SRP base sa kanilang pag-iikot sa anim na business establishment sa bayan ng Solano na siyang premier commercial town ng lalawigan.

Dahil dito, makakaasa ang mga mamamayan na nasa tama at mas mababang presyo ng mga kandila at bottled water sa Nueva Vizcaya para sa obserbasyon ng ‘Undas’ sa susunod na linggo.

Nagsagawa ng product at price monitoring kahapon ang mga kawani ng DTI at Local Price Coordinating Council sa mga business Establishments sa Solano, Nueva Vizcaya. Layunin ng monitoring na siguraduhin ang tamang presyo ng mga produktong kandila at bottled water para sa mga mamamayan bilang paghahanda sa 'Undas' sa susunod na linggo. (PIA Image)

Ang product at price monitoring ay ikinasa kahapon ng DTI Nueva Vizcaya bilang pakikiisa sa pambansang product at price monitoring  alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos. (BME/PIA  NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch