ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Muling nagpaalala ang Social Security System sa mga delinquent employers na bayaran na ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado para hindi magkaroon ng mas malaking multa ang mga ito.
Kasabay ng paalalang ito ni Atty. Alejandre Diaz, SSS Senior Vice President at head ng Luzon Operations Group, nagsagawa ang SSS Odiongan ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign sa mga bayan ng San Andres at Odiongan nitong October 26-27.
May mahigit 15 delinquent employers sa dalawang bayan ang binisita ng grupo ng SSS na pinangungunahan ni Atty. Diaz.
"Itong RACE na ito ay not simply to do door-to-door to require employers to pay but actually to let people know that we are doing something to enforce the law and fight for the rights of the workers," according to Atty. Diaz.
"If the employers pay your contributions, you will have the following benefits: sickness, maternity, disability, unemployment, retirement, death and funeral and salary loan," dagdag ni Atty. Diaz.
Iniiwasan umano ng SSS na dumating ang araw na ang mga workers na nagtatrabaho ng mahigit 30 taon ay walang makukuhang benepisyo sa kanilang pagretiro.
Para mahikayat ang mga delinquent employers, patuloy umano na tumatanggap ng condonation applications ang SSS para sa mga individual members at employers o business owners kung saan mababawasan ang penalidad ng kanilang SS contributions para sa nakaraang mga taon. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)
May mahigit 15 delinquent employers sa Odiongan at San Andres, Romblon ang binisita ng grupo ng SSS na pinangungunahan ni Atty. Diaz para sa kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign. (PJF)