No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Undas traffic advisory, inilatag ng Marikina

LUNGSOD PASIG, (PIA) --Naglatag ng mga hakbangin ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina upang maging ligtas ang mga bibisita sa mga sementeryo sa panahon ng Undas.

Upang maibsan ang traffic at maiwasan ang pagkakaipon ng mga sasakyan sa mga sementeryo lalo sa Loyola Memorial Park na pinakamalaking himlayan sa lungsod, ang kahabaan ng A. Bonifacio Avenue mula sa Barangka Fly-Over hanggang Marikina Bridge (Tulay), gagawing one-way traffic patungo sa kabayanan (Marikina City proper) mula Oktubre 31, 2023 12:00 ng tanghali hanggang Nobyembre 2, 2023 12:00 ng hatinggabi (sa ganap na 12:01 a.m. ng Nobyembre 3, 2023 ay magbabalik na sa normal two-way traffic ang nasabing kalsada).

Sa nasabing panahon, ipatutupad ang mga sumusunod na sistema:

Ang lahat ng mga sasakyan patungo sa Loyola Memorial Park mula sa mula sa Barangka Fly-Over pababa ng A. Bonifacio Ave. ay kailangang gumawi sa daloy ng trapiko sa kaliwang bahagi ng kalsada upang makapasok sa Loyola Memorial Park Gate 2 Entrance.

Ang lahat ng mga sasakyan na patungo sa kabayanan ay kinakailangan na nasa kanang bahagi ng kalsada.

Ang lahat ng mga sasakyan mula sa C-5 By-Pass Road o Marcos Highway na dadaan sa loob ng Riverbanks Ave. ay kailangang lumabas sa Riverbanks Ave. at Bonifacio Ave upang makapunta sa kabayanan o Loyola.

Ang lahat ng mga sasakyan na galing sa loob ng Loyola na lalabas sa Gate 1 Exit area ay maaaring kumanan sa Don Gonzalo Puyat St., Paspasan St., at Chorillo St. at kakanan sa A. Bonifacio Ave. patungong Quezon City.

Ang lahat ng mga sasakyan na patungo sa Quezon City galing sa kabayanan ay maaaring dumaan sa kahabaan ng J.P. Rizal St. palabas sa Marcos Highway.

Samantala, upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga dadalaw sa yumao, magkakaroon ng Incident Command Post sa Loyola Memorial Park at sa iba pang sementeryo sa lungsod (Our Lady of the Abandoned Parish Cemetery, Holy Child Cemetery, Aglipay Cemetery, at Barangka Public Cemetery).

May nakaantabay din na emergency medical teams, public safety operatives, health stations, ambulansya, pulis, at alagad ng pamatay-sunog. Ang mga ito ay pangangasiwaan ng central command center sa pamamahala ng Office of Public Safety and Security at Rescue 161 (Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office).

Ipinapaalala rin na ipinagbabawal sa mga sementeryong ang mga sumusunod: pag-akyat o pagtuntong sa ibabaw ng mga nitso; pagdadala ng patalim, matutulis at nakasusugat na bagay; pagpasok nang lasing o nakainom at pag-inom ng alak o anumang nakalalasing na inumin; paghuhubad; pag-ihi sa hindi tamang lugar; pagkakalat ng basura; pag-iingay na maaaring maging sanhi ng perwisyo sa iba; pagsingha o pagdura; pagparada ng sasakyan sa bawal na lugar; paggamit ng plastic at styrfoam products

Hinihikayat din ang mga dadalaw sa sementeryo na magdala ng panangga sa ulan o init ng araw, at hanggang maaari ay magsuot ng face mask bilang proteksyon.

Sa panahon ng emergency, maaaring tawagan ang mga sumusunod na hotline numbers:

Rescue 161/Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office

161 (gamit ang landline)

02 161 (gamit ang mobile/cellular phone)

8646 2436 to 38

8646 0427

7273 6563

0917 584 2168 (Globe)

0928 559 3341 (Smart)

0998 977 0115 (Smart)

0998 579 6435 (Smart)

Office of Public Safety and Security

8948 1208

Marikina City Police Station

0927 968 4311

Bureau of Fire Protection – Marikina

Central Fire Station

8681 0233

8713 1624

Industrial Valley Complex Fire Station

8659 6496

Parang Fire Station

8658 8587

8251 2120

Nangka Fire Station

8711 1713

8635 4432

Concepcion Fire Station

8713 3082

Pugad Lawin Fire Station

8713 1462

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website ng lungsod:  https://marikina.gov.ph . (Marikina pio/pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch