No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga bagong opisyal ng liga ng mga barangay sa Palawan, inihalal

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Inihalal na ang mga bagong opisyales ng Liga ng mga Barangay Federation – Palawan Chapter. Isinagawa ang halalan sa Victoriano J. Rodriguez Multipurpose Hall sa Gusaling Kapitolyo ngayong Enero 12, 2024 kung saan muling nahalal na Presidente ng Liga si Narra ABC President Ferdinand P. Zaballa.

Walang naging katunggali si Zaballa sa nasabing posisyon maging ang iba pang kumandidato sa iba pang posisyon.

Sa 21 mga ABC President mula sa iba’t ibang munisipyo ng Palawan ay tanging ang ABC President lamang ng bayan ng Culion ang hindi nakadalo sa nasabing eleksiyon dahil sa personal na kadahilanan.

Wala namang ABC President pa ang nagmula sa bayan ng Linapacan dahil hindi pa nakapagsagawa ng eleksiyon ng Liga ng mga Barangay sa Municipal level ng nasabing bayan.

Sa 21 mga ABC President, lahat ng ito ay bomoto kay Zaballa maging sa iba pang kandidato sa ibat ibang posisyon.

Sa pagkakapanalo ni Zaballa ay muli ito uupo bilang Ex-Officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

Ani Zaballa, sa loob ng halos dalawang taon na termino niya ay tututukan nito ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) at ang malnutrisyon sa lalawigan.

Makikita sa larawan si Narra ABC President Ferdinand P. Zaballa habang naglalagay ng kanyang balota sa kahon sa isinagawang Liga ng mga Barangay - Provincial Election kung saan siya rin ang nanalong Presidente dito. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

Ang iba pang nanalong opisyales ng Liga ng mga Barangay Federation – Palawan Chapter ay sina:

Vice President - MaryAnn B. Catalan, ABC President – Munisipyo ng Roxas

Auditor - Georjalyn Joy O. Quiachon, ABC President - Munisipyo ng Brooke's Point

Board of Directors:

1.   Leonard Vincent C. Ayod - Munisipyo ng Quezon

2.   Ricky C. Ballena - Munisipyo ng El Nido

3.   Ma. Teresa J. Casareno - Munisipyo ng Coron

4.   Eddie L. Catague - Munisipyo ng Bataraza

5.   Danilo B. Cortez - Munisipyo ng Aborlan

6.   Jessie G. Galang - Munisipyo ng Sofronio Española

7.   Myrna D. Gozar - Munisipyo ng Taytay

8.   Merla A. Yayen - Munisipyo ng Agutaya

Pagkatapos ng eleksiyon ay agad ding nagpulong ang mga bagong opisyales upang talakayin ang magiging aktibidad ng mga ito para sa taong 2024. Pinangunahan naman ni Gov. Victorino Dennis M. Socrates ang panunumpa ng mga ito. (OCJ/PIA Mimaropa - Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch