LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Lumagda kamakailan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Ninja Van Philippines ng isang Memorandum of Understanding (MOU) upang mas mapalakas ang e-commerce sa siyudad.
Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto at mga opisyal ng Ninja Van Philippines ang paglagda sa MOU.
Sa ilalim ng naturang MOU, ay magpaplano at magkakaroon ng mga programa o proyekto tungo sa patuloy na paglinang at pagpapabuti ng lagay ng industriya ng e-commerce sa lungsod.
Mga kuha mula sa Pasig PIO
Parte ng ibinibigay na technical assistance para sa local start-ups at micro, small, at medium enterprises sa Lungsod ng Pasig, na pinangungunahan ng Local Economic Development and Investment Office (LEDIO), ang pag-introduce sa mga ito sa digital tools na makakatulong para makasabay ang mga ito sa market trends (maging mas competitive) at mapalago pa ang negosyo.
Isa sa magiging assistance mula sa Ninja Van ay nakatutok sa information management -- kung saan magkakaroon ng access sa consumer trends ang local start-ups at MSMEs, lalo na sa e-commerce platform na makakatulong sa pagpapatupad ng Enterprise Digitization Programs sa Lungsod ng Pasig.
Ang Ninja Van ay isa sa kilalang courier services na katuwang ng online stores na siya namang naging patok noong kasagsagan ng pandemya. (JEG/PIA-NCR)