No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

230 magsusulit sa civil service, tumanggap ng libreng review sa Camarines Norte


DAET, Camarines Norte (PIA) -- Tumanggap ng libreng review mula sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang  230  na magsusulit para sa Civil Service Commission (CSC) examiation sa darating na Marso 3 ngayong taon.

Nagsimula ang libreng review noong Enero 7 at matatapos sa huling Sabado ng Pebrero. Labing apat (14) na araw ang bubunuin  ng mga ito bago ang nakatakdang petsa ng pagsusulit.

Ang review ay  ginaganap tuwing araw ng Sabado at Linggo mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Agro Sports Center ng kapitolyo.

Kabilang sa mga tumanggap ng libreng review ang mga mag-aaral, pribadong indibidwal at ilang mga empleyado ng kapitolyo.

Aabot na sa 230 magsusulit ang nag-avail ng libreng review ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Youth Development Office (PYDO) bilang paghahanda sa Civil Service Examination sa darating na Marso 3 ngayong taon. (PIA5/Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng PYDO)

Pinapangasiwaan ito ng Provincial Youth Development Office (PYDO).

Ayon kay Officer-In-Charge Jonalyn Mabeza-Ang ng PYDO, patuloy ang kanilang pagtanggap sa mga nais mag-avail ng libreng review sa civil service.

Aniya, sa mga hindi naman makakalahok o makakapunta sa venue ay nagbibigay ang kanilang tanggapan ng kopya ng reviewer na magagamit sa kanilang tahahan.

Ang libreng review ay matagal ng isinasagawa ng pamahalaang panlalawigan upang bigyan ng pagkakataon ang mga nais pumasa sa civil service.

Ayon sa mensahe ni Provincial Administrator Don Eduardo S. Padilla sa isinagawang pagbubukas nito sa SM City Daet, ginawa ang programang ito upang matulungan ang mga nag nanais na pumasa sa eksamin subalit walang budget upang magreview.

Ang makabuluhang gawain ay sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Gobernador Ricarte Padilla at Bise Gobernador Joseph V. Ascutia.

Sa karagdagang paglilinaw at mga katanungan, maaaring bisitahin ang tanggapan ng PYDO sa ikalawang palapag ng Agro Sports Center o magpadala ng mensahe sa Provincial Youth Development Office – Camarines Norte official page o mag-email sa pydocamarinesnorte@gmail.com.  (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng CNPIO)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch