No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

454 kilo ng bangus, inani ng mga samahan ng mangingisda sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Kaisa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Fisheries Management Office (FMO) at ang lokal na pamahalaan, katuwang ang mga fisherfolk sa pagsasagawa ng partial harvesting ng mga isdang bangus mula sa tatlong fish cage o baklad sa Barangay Mahal na Pangalan sa lungsod na ito kamakailan.

Ang mga inaning isda ay umabot sa 454 kilo na siyang bunga ng ipinamahaging 160 sako ng fish seed growers at 10,000 semilya ng bangus na naibigay sa grupo ng mangingisda; ang Samahang Hanay ng Yumayabong at Umuunlad na Mangingisda (HAYUMA), Samahan ng mga Mangingisda ng Barangay Ibaba East, Samahan ng mga Mangingisda ng Barangay Mahal na Pangalan, at Samahan ng mga Mangingisda ng Barangay Baruyan, sa pamamagitan ng BFAR at ng pamahalaang lungsod ng Calapan.

Agad na dinala sa pamilihang lungsod ang mga inaning bangus para makadagdag sa kita ng mga manininda ng mga isda. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch