Kabilang sa mga nagsanay ang mga kawani ng Municipal Planning Development Office (MPDO), municipal assessors at MDRRMOs mula sa 12 bayan ng Camarines Norte.
Ang pagsasanay ay naglalayon na bigyan ang mga kalahok ng mga mahahalagang kasanayan sa GIS na makakatulong sa planning, mitigation, response at recovery efforts sa konteksto ng disaster management.
Ang GIS ay isang pamamaraan upang matugunan ang panawagan ng pamahalaang nasyunal para sa isang maayos na pagpaplano sa sustainable development na kabilang sa mga technical skills o kasanayan na kinakailangan ng mga kawani.
Malakas na pamamaraan ito sa mga user na suriin at mailarawan ang geographical data na nagbibigay ng komprehensibong pananaw sa iba't ibang sitwasyon.
Ang isinasagawang limang araw na pagsasanay sa Geographic Information System (GIS) Training para sa mga kawani ng Municipal Planning Development Office (MPDO), municipal assessors at MDRRMOs ng bawat bayan na ginaganap sa Nathaniel Hotel sa bayan ng Daet, Enero 15-19. (PIA5/ Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng PDRRMO)