No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit isang milyong turista bumisita sa Palawan noong 2023

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Nasa 1,527,159 turista ang naitalang bumisita sa lalawigan ng Palawan mula Enero hanggang Disyembre 2023 ayon sa datos ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO).

Ayon sa Provincial Information Office (PIO) mas mataas ng 87.47% ang tourist arrivals sa taong 2023 kumpara noong taong 2022 na mayroon lamang 814,621 tourist arrivals.

Ang bayan ng El Nido ang nanguna sa may pinakamaraming bilang ng mga bumisitang turista noong taong 2023 na umabot sa bilang na 500,408. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Mula sa naturang bilang, 873,592 dito ay domestic o local tourists habang 653,567 ang mga dayuhang turista.

Nanguna ang bayan ng El Nido sa mga munisipyo sa Palawan na may pinakamaraming bilang ng bumisitang turista noong taong 2023 na umabot sa 500,408.

Pumangalawa naman sa may pinakamataas na tourist arrivals ang bayan ng Coron, sinundan ng San Vicente, pang-apat ang Brooke’s Point at pang lima ang Linapacan.

Pinakamarami sa mga dayuhang turista na bumisita sa lalawigan ay mula sa Amerika, France, Germany, United Kingdom at Spain.

Ang industiya ng turismo ang isa sa tinututukang sektor ng pamahalaang panlalawigan dahil ito ay isa sa itinuturing na engine of growth sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan.

"Sa pangkalahatan, ang 2023 ay isang produktibong taon para sa industriya ng turismo ng lalawigan. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga nasa industriya ay kailangang maging kampante. Ang patuloy na pagpapaunlad ng mga produkto, pagpapatupad ng patakaran, promosyon at marketing ay dapat pa ring gawin upang matiyak na maging maganda ang karanasang panturista ng mga manlalakbay at gayundin upang matiyak ang kanilang pagbabalik sa lalawigan,” ang pahayag ni Provincial Tourism Officer Maribel C. Buñi. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)


Banner photo courtesy of Palawan Provincial Tourism Promotion and Develoment Office Facebook page

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch