No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Extended Producer Responsibility Act, makatutulong sa mga LGU

BAGUIO CITY (PIA) -- Magiging malaking tulong sa mga pamahalaang lokal ang pagpapatupad ng Republic Act 11898 o Extended Producer Responsibility Act of 2022.
 
Ang EPR Act ay nag-lapse bilang batas noong Hulyo 23, 2022. Iminamandato nito na magkaroon ng mekanismo ang mga malalaking kompanya para sa pagrekober ng kanilang plastic packaging para sa treatment, recycling o disposal ng kanilang mga produkto na nabenta at nagamit ng mga konsyumer. Layunin nito na mabawasan ang plastic wastes at mapalawig ang plastic life sa pamamagitan ng upcycling o recycling.

Tinalakay ni Mark Anthony Solano, SEMS ng EMB-CAR, ang EPR Act sa Usapang PIA noong Enero 25, 2024.

"Diyay responsibility ti disposal dagiti plastic packaging waste, maipan idjay manufacturers. Required dagiti manufacturers nga i-retrieve wenno kolektaren dagita, then dispose nila [Ang responsibility sa disposal ng mga plastic packaging waste, mapupunta sa manufacturers. Required ang mga manufacturers na i-retrieve o kolektahin at i-dispose ang mga ito]," paliwanag ni Senior Environmental Management Specialist Mark Anthony Solano ng Environmental Management Bureau-Cordillera.
 
Nakasaad sa nasabing batas na kabilang sa mga plastic packaging ang sachets, labels, laminates at iba pang flexible plastic packaging products. Kabilang din ang rigid plastic packaging products gaya ng containers para sa beverages, food, home, personal care, at cosmetic products kabilang na ang kanilang mga takip, cutlery, plato, drinking straws, sticks, tarps, signages o labels, at plastic bags.

Ayon kay Solano, magiging malaking tulong ito sa mga LGUs lalo na kung makikipag-ugnayan sila sa mga manufacturers partikular sa pag-retrieve sa mga plastic packaging.
 
"Agpanunot to met siguro dagiti manufacturers nu anya ti mabalin nga alternative means a mabalin da nga i-offer. Baka addan to ti refilling station da or environment-friendly packaging [Makakaisip siguro ang mga manufacturers kung ano ang maaaring alternative means na maiaalok nila. Baka magkaroon ng refilling station o environment-friendly packaging]," si Solano.
 
Ngayong taon ganap na ipatutupad ang nasabing batas kung saankabilang ang Baguio sa mga prescribed areas sa implementasyon nito. Itinatakda ng EPR Act ang target para sa pagrekober ng mga plastic packaging kung saan, dapat 20% ang narekober ng mga manufacturers sa pagtatapos ng 2023, 40% para sa 2024, 50% sa 2025, 60% sa 2026, 70% sa 2027, at 80% para sa 2028, at sa susunod pang mga taon.
 
Magsasagawa ng audit ang EMB kung talagang nakolekta ng mga manufacturers ang kaukulang porsiento ng kanilang plastic packaging. Ang mga kompanya na bigong tumupad sa mga probisyon at bigong makamit ang recovery rates na itinakda ng EPR ay magmumulta ng P5-million hanggang P20-million.
 
Ang implementasyon ng EPR Act ay isang mahalagang hakbang para sa pag-transition ng Pilipinas sa circular economy. (DEG-)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch