No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 5,000 baboy sa Romblon, namatay dahil sa ASF

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- May mahigit 5,000 na baboy na ang namatay at pinatay sa probinsya ng Romblon dahil sa pagtama dito ng African Swine Fever (ASF) mula noong huling mga buwan ng 2023.

Sa pinakahuling ulat ng Office of the Provincial Veterinarian (ProVet), 3,798 dito ay naitalang namatay na mga baboy sa mga apektadong barangay ng mga bayan ng Alcantara, Cajidiocan, Looc, Odiongan, San Fernando at Sta. Fe.

May 1,367 naman na mga baboy ang pinatay alinsunod sa isinasagawang depopulation ng Department of Agriculture.

Ibinahagi rin ng Office of the Provincial Veterinarian na kontrolado na ang ASF sa bayan ng San Fernando matapos magpatupad ng striktong quarinte protocols sa lugar.

Wala na ring naitatalang bagong kaso ng ASF sa bayan ng Sta. Fe, Odiongan, at Looc.

Ayon sa ulat ng ProVet, binabantayan nila ang bayan ng Cajidiocan ngayon dahil sa pagkalat ng virus sa halos lahat ng barangay.

Sa kabuoan, aabot na sa 1,084 na hog raisers ang naapektuhan ng virus sa buong lalawigan.

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga apektado ng virus sa tulong na rin ng iba't ibang ahensya ng gobyerno. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch