No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Vice Mayor's League, sasanayin ang mga kapitan sa Romblon sa parliamentary procedure

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Nakatakdang magsanay sa ilalim ng Vice Mayors' League of the Philippines (VMLP) Romblon Chapter ang may aabot sa 219 na barangay captains sa probinsya ng Romblon kasama ang mga bagong halal na opisyal patungkol sa parliamentary procedure.

Ito ang ibinahagi ni Corcuera Vice Mayor at VMLP Romblon Chapter president Apple Fondevilla sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon nitong Biyernes, February 2.

Unang beses ito na ang VMLP ang mag-hohost ng ganitong pagsasanay na madalas ay isinasagawa ng Philippine Councilors' League.

"Taking initiative right after the election, napag-usapan ng VMLP na baka naman puwede na kami ang mag-host total ang trabaho naman namin ay ang pag-preside, at kasama sa functions ng mga barangay captains ay ang pag preside ng isang session," pahayag ni Fondevilla.

Maliban dito ay sasanayin rin ang mga kapitan sa kung paano magpasa ng isang ordinansa at resolution.

"Gagawin po natin ito para po 'yung mga ipinapasang ordinansa at resolution ng mga barangay, pagdating sa Sangguniang Bayan para sa review, ay kakaunti nalang ang sisilipin dahil nasa isang tono na kami," dagdag pa ng bise alkalde.

Inaasahang gaganapin ang traning ngayong Pebrero sa Iloilo City. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch