No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 500kg na recyclables, nakolekta ng MMDA Bayanihan sa Barangay

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Umabot sa 560.2 kilo ng recyclables ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) sa ginanap na Bayanihan sa Barangay sa Brgy. Damayan sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa MMDA, umabot sa 3,551 puntos naman ang na-redeem ng mga residente na ipinalit sa mga grocery items sa ilalim naman ng programang ‘Recyclables Mo, Palit Grocery Ko.’

Kabilang ang MMRF sa mga serbisyong iniaalok ng MMDA sa bawat Bayanihan sa Barangay para maisulong ang disiplina sa pagtatapon ng basura at pagse-segregate ng mga komunidad.

Ang mga ito ay ilan sa inisyatiba sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project-Phase 1 na may layuning mabawasan ang solid waste sa mga daluyang tubig. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch