No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga magsasaka sa Camarines Norte gagamit ng mobile apps sa pagsasaka

DAET, Camarines Norte (PIA) -- Naghahatid ang Department of Agriculture ng bagong teknolohiya sa mga magsasaka sa Camarines Norte upang mapataas ang kanilang kakayahan at mapataas ang produktibidad.

Sinabi ng agricultural technologist na si Mack Lennon Quibral na sinimulan na ng Agricultural Training Institute (ATI) ang paggamit ng mga pinakabagong digital technology advances para mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka kasunod ng partnership agreement nito sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).

Upang simulan ang pagbabagong pang-agrikultura sa lalawigan, tinapos kamakailan ng ATI at OPAg ang tatlong araw na training session sa farm extension workers na sya naming magbibigay ng pagsasanay at gagabay sa mga magsasaka sa kani-kanilang mga nayon.

"Ang katatapos lang na digital literacy training ay nagpakilala ng mga digital na kagamitan at mobile na teknolohiya," sabi ni Quibral.

Tatlumpong barangay agricultural extension workers ang nagsasanay sa paggamit ng mobile apps sa pagsasaka upang maituro nila ito sa mga kapwa magsasaka sa Camarines Norte. (PIA5/ Camarines Norte)

“Sa kanilang mga kakayahan at access sa kaalaman ng mundo, ang ating mga magsasaka ay maaaring baguhin ang paraan ng kanilang pagsasagawa ng agrikultura. Kung kailangan nilang i-diagnose at gamutin ang mga problema sa pananim, kukunan lang nila ng larawan ang may sakit na pananim gamit ang Plantix app, at handa na ang kanilang libreng pagsusuri at malamang na makukuha nila ang pinakamahusay na rekomendasyon sa paggamot para sa kanilang mga pananim na may sakit,” sabi ni Quibral.

Ang extension worker na si Michelle Obrero mula sa bayan ng San Lorenzo Ruiz ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa ATI at OPAg para sa training session, at sinabing ang pagsasanay ay "nagturo sa amin ng mas mahusay na mga paraan upang ma-access ang impormasyon at mga link na maaaring makatulong sa aming kabuhayan."

"Dahil sa aming mga bagong nakuha na kakayahan at smartphone, maaari nang hindi na namin isubsob ang sarili sa

nakakapagod at paulit-ulit na trabaho. Hindi na namin kailangan pang humingi ng payo sa agriculturists para sa mga bagay na kailangan ng agarang ayusin,” sabi ng extension worker na si Rico Sureta ng bayan ng San Vicente.

Natukoy ng ATI ang ilang maaasahang apps upang makaiwas ang mga magsasaka sa walang silbi, mali at mapanlinlang na impormasyon na laganap sa Internet.

Kabilang sa mga app na ito ang Plantix, Field Area Measure, Leaf Color Chart (LCC), Minus One Element Technique (MOET), Binhing Palay, Smarter Pest Identification Technology (SPIDTECH), at E-Damuhan, ani Quibral.

Ang ekonomiya ng Camarines Norte ay nakasalalay sa agrikultura, kung saan ang  Formosa pineapple, palay, niyog, at pili nuts ang mga pangunahing produkto nito.  (PIA 5 / Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch