No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasig City, kaisa sa pagdiriwang ng National Oral Health Month

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Kada buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang ang National Oral Health Month.

Kaugnay nito, kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyong ito ngayong buwan na may temang "Let's DOH-8! Vision 70-20: Opan Iwas Bungal!"


Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pamamahagi ng timba kit mula sa Department of Health (DOH) sa mga senior citizens ng lungsod. (Mga kuha mula sa Pasig PIO)

Ayon kay Dr. Vallesteros, sa ilalim ng Vision 70-20 hindi lamang ang mga senior citizen ang tututukan ng pansin kung hindi ang buong life cycle ng isang tao, mula sa pagbubuntis hanggang sa pagtanda.

Ang ibig sabihin ng 70-20 sa 70-20 vision ay mga Pilipino na may edad 70 at pataas ay may 20 at pataas pang functional na ngipin.

Hinikayat din ni Vallesteros ang mga Pasigueño na mag "Let's DOH-8!" (I-check ang material para sa mga hakbang sa pagpapanatili ng oral hygiene.)

Samantala, bahagi rin ng naging kick-off ceremony ang pagkilala sa ilang senior citizen mula sa iba't ibang barangay ng Pasig na nagsisilbing role model ng Vision 70-20. Bukod sa certificate ay nakatanggap din sila ng timba kit mula sa Department of Health (DOH). (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch