Photo courtesy of DICT Oriental Mindoro
LUNGSOD NG CALAPAN (PIA) -- Nagpulong para sa gagawing kasunduan sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Oriental Mindoro at ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa Calapan para sa pagkakaisa sa isasagawang "Bagong Pilipinas Serbisyo Fair" sa Marso.
Ipatutupad ng DICT ang mga programa nito para sa mga taong may kapansanan sa lungsod ng Calapan.
Kumatawan sa DICT si development officer Keanu Oracion habang si Benjamin Agua, Jr. naman ay sa hanay ng PDAO kung saan kanilang pinag-usapan ang pagkakaisa ng mga tanggapan para sa nalalapit na programa ng pambansang pamahalaan.
Tinalakay din ng magkabilang panig ang maaaring gawing proyekto at programa, gayundin ang iba pang mga kaganapan na mapapakinabangan ng kapwa partido.
Layunin ng dalawang ahensiya na maipatupad ang mga pagbabago, kakayahan sa gawain, at mapabilang sa tamang paghahatid ng mga kailangan serbisyo para sa mamamayan. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)