No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Seal of Good Local Governance, iginawad sa Marikina City

Pormal na tinanggap ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Seal of Good Local Governance mula kay DILG NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin. (mga kuha mula sa Marikina PIO)

LUNGSOD MARIKINA, (PIA) -- Pormal na iginawad sa Lungsod Marikina ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kamakailan.

Pinangunahan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang pagtanggap ng pagkilala na sumisimbolo sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lungsod mula kay DILG NCR Regional Director Maria Lourdes Agustin.

Kaugnay din ng pagkilala, ay ang pagsisikap ng pamahalaang lungsod sa pagbigay ng pinakamataas na antas ng pamamahala partikular sa mga sumusunod na larangan: Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business-Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development. Culture and the Arts; at Youth Development.

Samantala, kasama ring dumalo sa okasyong ito sina Marikina Mayor Marion Andres at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, DILG-Marikina sa pangunguna ni City Director Mary Jane Nacario, mga pinuno ng mga ahensya ng pamahalaan sa Marikina, at mga pinuno ng tanggapan ng pamahalaang lungsod. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch