No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA team, nagdala ng tulong sa Davao region

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang tugon sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao region kamakailan, nagpadala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 30-man contingent sa naturang rehiyon.

Kaisa ang MMDA sa pagbibigay-tulong sa mga apektado ng pagbaha sa Davao region lalo na sa pagkakaroon ng ligtas na inumin na isa sa kanilang pinaka-kailangan sa pang-araw-araw,” ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes.

Dala ng MMDA team ang 60 na unit ng solar-powered water purifiers ang nakatakdang ideploy sa lugar para magbigay ng malinis na tubig sa mga nasalantang residente. Nasa 180 galon ng tubig kada oras ang kayang i-filter ng isang unit.

Pinangunahan naman ni MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang send-off ceremony ng grupo.

Ayon sa MMDA, mga kawani ng Public Safety Division, Road Emergency Group, at Flood Control and Sewerage Management Office ang idedeploy sa lugar.

Ang pagpapadala ng humanitarian team ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga binaha sa lugar. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch