No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Usapang BIBA, nilahukan ng mga batang ina't ama sa Brooke's Point

Ang nasa 48 kalahok ng 'Usapang BIBA' ng bayan ng Brooke's Point para sa mga batang ina at batang ama. (Larawan mula sa MIO-Brooke's Point)

PUERTO PRINCESA CITY (PIA) -- Regular na isinasagawa ng pamahalaang bayan ng Brooke’s Point sa pamamagitan ng kanilang Municipal Health Office (MHO) ang programang ‘Usapang BIBA: Maging Responsableng Batang Ina; Batang Ama’.

Ayon kay program manager for maternal and child Cynthia Lascano, layunin ng programang ito na bigyang kaalaman ang mga kabataang maagang nagdalang-tao o nakabuntis sa tamang proseso ng pagbubuntis, pangangalaga sa sarili at sinapupunan upang maiwasan ang sakit at pagkasunod-sunod na pagbubuntis ng maaga at hinikayat ang mga batang ina at batang ama na maging responsableng magulang sa kani-kanilang pamilya.

Sa edisyon ng nasabing programa, 48 na mga batang ina't ama mula sa Barangay Pangobilian ang lumahok dito.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Brooke’s Point Mayor Ceasareo Benedito, Jr. kung saan pinayuhan nito ang mga batang ina at batang ama na ang lahat ng bagay ay mayroong tamang oras at purpose, at kung nagkamali man ay maging responsable at panindigan ang pagiging isang kabataang magulang, huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na dumulog sa Panginoon ng gabay at pangangalaga sa bawat isa.

Pinuri at pinasalamatan din si Benedito ang inisyatibong ito ng MHO upang magabayan sa tamang pagplano ang mga kabataan at sa pagbuo ng pamilya upang maiwasan ang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa bayan. (OCJ/PIA Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch