No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ganapin sa lungsod ng Calapan sa Marso

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Handa na ang kinatawan ng mga ahensiya at tanggapan ng pamahalaan mula sa lokal at pambansa sa programang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair para sa mamamayang Mindoreño na gaganapin sa darating na Marso 9-10 sa Oriental Mindoro National High School sa lungsod ng Calapan.


Dumalo ang mahigit 30 kinatawan mula sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DOLE, DSWD, DOH, DPWH, DICT, DOST, DepED, DENR, LTO, LTFRB, PIA, mga punong ehekutibo ng lokal na pamahalaan at marami pang iba sa pagpupulong kung saan tinalakay ang mga serbisyong ihahatid ng mga ito sa mga Mindoreño.


Layunin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na mailahad ang programa ng pamahalaan at maihatid ang mga serbisyo sa mamamayan.


Ito ay inisyatiba ng Office of the President, Office of the Speaker, Presidential Communications Office at kinatawan mula sa mababang kapulungan na kaakibat sa Memorandum Circular No. 24 na may pamagat na “Launching the Bagong Pilipinas Campaign as the Administration’s Brand of Governance and Leadership".


Ito ang unang aktibidad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa lalawigan at sa buong rehiyon ng Mimaropa. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch