No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mag-ingat sa pekeng social media post - MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nagbigay babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na mag-ingat sa isang post at mensaheng kumakalat sa social media ukol sa pagpapatupad muli ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) peke at hindi nanggaling sa ahensya.

Ayon sa MMDA, nananatiling suspendido ang operasyon ng NCAP mula pa noong 2022 bunsod na rin ng pagpapalabas ng temporary restraining order ng Supreme Court.

Payo ng MMDA na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media. Mabuting alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o iberipika mula sa mga lehitimong sources.

Kung may natatanggap na mensahe o post sa social media ukol sa NCAP at nais itong iberipika, maaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts https://www.facebook.com/MMDAPH. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch