No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bilang ng mga ikinasal sa Romblon noong 2022, umabot ng 1,335

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- "Sa anu't ano pa, sa kasalan din nauwi ang pagmamahalan ng may aabot sa 1,335 na Romblomanon noong taong 2022," ito ang ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) Romblon sa pinakahuli nilang ulat.

Ayon sa datos, 280 o 21 percent ng kabuuang bilang ay nagpakasal sa bayan ng Odiongan na sinundan naman ng Romblon, Romblon na may 148 na bilang ng mga ikinasal.

Ibinahagi rin ng PSA na 729 ay ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ceremony, bunga ng kabi-kabilaang kasalang-bayang inorganisa ng mga lokal na pamahalaan noong taong 2022, habang aabot naman sa 597 ang ikinasal sa simbahan.

Samantala, 9 namang miyembro ng Sibuyan-Mangyan Tagabukid sa Sibuyan Island ang ikinasal sa ilalim ng tribal marriage ceremony.

Ayon kay Engr. Johnny Solis, chief statistical specialist ng PSA Romblon, ang pagpapakasal ay nakakatulong para tumaas ang legitamacy rate ng isang bayan o bilang ng mga batang ipinapanganak na kasal ang mga magulang. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)


Photo banner courtesy of Odiongan Public Information Office

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch