No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Romblon State U, nagsagawa ng tree planting, coastal clean-up drive sa San Andres

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sa ika-4 na taon, inang kalikasan muli ang naging kasama ng mga kawani at mga estudyante ng Romblon State University nitong nagdaang valentine's day.

February 14 kasi ang panahon para sa taunang Tipanan sa Inang Kalikasan na inilunsad ni RSU President Merian Catajay-Mani nang ito ay maupo sa pwesto.

Ginanap ang programa sa RSU extramural campus sa Agpudlos, San Andres na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng pamantasan, mga estudyante, mga opisyal ng iba't ibang national government agencies, at iba pang mga volunteers.

Nagkaroon ngayong taon ng tree planting activity at coastal clean-up drive.

Sa panayam kay Mani ng RSU Media and Public Affairs, nabanggit ng pangulo ng pamantasan na nararapat lang na alagaan ang kalikasan.

Nakiisa sa pagtatanim ng mga bachawan ang mga guro ng Romblon State University Main Campus sa ginanap na Tipanan sa Inang Kalikasan noong ika-14 ng Pebrero. (Larawan mula sa Romblon State University)

"Iisa lang ang ating buhay, minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ibabaw at nakita po natin na ang ating inang kalikasan ay nag-iisang tahanan natin at tagapagkalinga. Sapat lamang po na kalingain ndin atin siya," ayon sa pangulo.

Kasabay ng aktibidad ay nanumpa rin ang mga kinatawan ng iba't ibang organisasyon at national government agencies bilang mga bagong environmental advocates. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch