(Tagalog translation)
Inflation rate ng Cordillera, bumaba; Kalinga at Mountain Province, nakapagtala ng deflation
BAGUIO CITY (PIA) -- Lalong bumaba ang inflation rate sa Cordillera nitong Enero 2024 batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority-Cordillera (PSA-CAR).
Ayon kay Chief Statistical Specialist Aldrin Federico Bahit Jr., naitala ang 2.1percent na inflation rate sa Cordillera sa nakaraang buwan, mas mababa kung ikukumpara sa 2.8% na naitala noong Disyembre 2023.
Nailista ang mabilis na inflation sa alcoholic beverages and tobacco at health, habang mabagal ang inflation sa food and non-alcoholic beverages, clothing and footwear, furnishing, household equipment and routine household equipment, transport, recreation, sport and culture, restaurants and accommodation services, at personal care and miscellaneous goods and services.
Bumagal din ang deflation sa housing, water, electricity, gas and other fuels, at financial services.
Ayon kay Bahit, naitala naman ang deflation o pagbaba sa presyo ng mga goods and services sa Mountain Province (-0.1) at Kalinga (-1.4).
"Kapag deflation, mas dumami ang mabibili kasi bumaba ang presyo. Tumaas ang purchasing power," saad ni Bahit.
Gayunman, sinabi nito na hindi lahat ng pagbaba ng presyo ay maganda dahil maaaring pabor ito sa mga konsyumer pero hindi sa ibang sektor ng lipunan.
"Sa konsyumer ay panalo tayo pero may mga sektor ng ating lipunan na nadedehado. Tingnan sana natin kung sino ang mas marami ang makikinabang," si Bahit.
Samantala, sa purchasing power ng peso sa Cordillera, ang 100 pesos noong 2018 ay katumbas ng 81 pesos ngayon sa rehiyon. Ang pinakamataas na purchasing power ng peso ay sa Baguio City na 84 pesos habang pinakamababa ang Apayao na 77 pesos. (DEG-PIA CAR)