No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOLE, namahagi ng traktora sa samahan ng magsasaka sa Naujan

LUNGSOD NG CALAPAN (PIA) -- Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakailan ng isang bagong 4-wheel tractor na pangsaka ang Tigkan Farmers Association na pinangunahan ni DOLE Oriental Mindoro provincial director Roderick F. Tamacay, kasama ang PESO manager ng Naujan na si Aloysius G. Pesigan, at mga opisyales ng Barangay Tigkan sa Naujan.

Sa mensahe ni Tamacay sa mga benepisyaryo, “Dito sa Oriental Mindoro ang prayoridad ay mga kagamitan sa pagsasaka bilang ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga lokal at malaki ang naitutulong nito sa ekonomiya ng probinsya. Kapag nakita namin na maayos ang pamamalakad at nagkaroon ng magandang epekto sa mga myembro sa pagkakaroon ng social benefits ay maaari pa namin pagkalooban ng karagdagang assistance na makakatulong sa asosasyon at sa sektor ng agrikultura ng inyong lugar.”

Ang naturang traktora ay nagkakahalaga ng P996,640 na bahagi ng livelihood assistance ng DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan bilang accredited co-partner. Ito ay tugon sa malaking kakulangan sa mga kagamitan ng mga magsasaka at magbibigay ng malaking tulong sa mga miyembro ng asosasyon upang mas maging produktibo sa kanilang gawain sa bukid at maaari rin makinabang ang mga karatig barangay sa pamamagitan ng pagpapaupa sa nasabing traktora.

Larawan mula sa DOLE MIMAROPA

Ang pagkakaloob ng mga kagamitan pang-agrikultura katulad ng traktora ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) na may layuning makapagbigay ng mga kagamitan na lubos na mapapakinabanagan ng mga benepisyaryo para sa pangmatagalang kabuhayan. (DN/PIA Mimaropa - Oriental Mindoro)

Larawan sa pinakataas mula sa DOLE MIMAROPA

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch