No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA, siniguro ang suporta sa cacao industry ng Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) -- Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang suporta para sa pagpapalago ng cacao industry sa Cordillera.
 
Ayon kay DA Cordillera Regional Technical Director Danilo Daguio, ang cacao ay kabilang sa top 10 priority commodities ng rehiyon kung saan, naglaan sila ng 1.5 million pesos na pondo para rito ngayon taon.

Ani Daguio, ipinanukala nila ang limang milyong piso na pondo para sa nasabing industriya sa susunod na taon.
 
"We are supporting this by allocating or adding a little portion of our annual budget for cacao industry," si Daguio sa ginanap na press conference kamakailan.
 
Aniya, kinakailangan ding mapalakas pa ang produksyon ng cacao sa rehiyon. Hinikayat nito ang mga magsasaka na sundin ang diversification program o ang pagtatanim ng iba't ibang komodite sa isang lugar.

Inilahad ni DA-CAR RTD Danilo Daguio ang kalagayan ng cacao industry sa Cordillera sa ginanap na press conference sa BSU kamakailan.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority mula 2010 hanggang 2020, 0.4 porsyento ang cacao bearing trees sa Cordillera habang 0.3% ang kontribusyon ng rehiyon sa dried cacao beans production sa bansa.
 
Una nang inihayag ni JZ Samson, cacao focal ng DA, na may market ang cacao ngunit kailangan lamang mapalakas ang linkages.

Nakibahagi si DA cacao focal JZ Samson sa CCIDC 1st Quarter Meeting sa Wangal, La Trinidad noong Pebrero 13, 2024.

Aniya, sa matagal na panahon ay sa Davao nagmumula ang karamihan sa mga cacao beans na ipinoproseso sa bansa. Hangad ng kagawaran na may iba-ibang sources ng cacao beans kaya nakikipag-ugnayan sila ngayon sa Region IV-A at Region III.
 
Kapag napalago naman ang potensiyal ng Cordillera sa cacao industry ay maaari rin nila itong i-link sa mga chocolate companies.

"Kung ma-harness natin ang potential ng CAR bilang cacao-producing region, mali-link talaga natin ang mga chocolate companies na nangangailangan," si Samson.

Kamakailan ay nagpulong ang Cordillera Cacao Industry Development Council kung saan, isa sa mga tinalakay ay ang posibilidad ng pagbuo ng Cordillera Cacao Industry Cooperative upang mas maisulong at mapaunlad pa ang nasabing industriya sa rehiyon. (DEG-PIA CAR)

Tinalakay ng mga kawani ng CCIDC ang pagpapalakas sa industriya ng cacao sa Cordillera, sa kanilang 1st Quarter Meeting sa Wangal, La Trinidad noong Pebrero 13, 2024.

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch