LUNGSOD PASAY, (PIA) -- Magandang balita! Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng Libreng Sakay sa publiko ng Toyota Motors Philippines (TMP), katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay.
Ang libreng sakay ng TMP para sa mga Pasayeño ay inilunsad noong Disyembre 4, 2023 at umiikot sa mga sumusunod na ruta:
- Pasay City Hall
- Mall of Asia
- Arellano University
- Mailbay
- GSIS


Para sa mga nagnanais makasakay, i-download ang myTOYOTA Shuttle Ph application sa inyong mobile phone at gamin ang TMP35CSRPASAY bilang code sa Company Name at gumawa ng sariling account.
Ang libreng sakay ay tatagal hanggang Disyembre 2024. (Pasay City/PIA-NCR)