
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Dumating na sa bansa ang mga spare na gulong para sa MRT-3.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 160 pirasong spare na mga gulong ng tren ang nadagdag sa supply ng MRT-3 ngayong Pebrero.
Matapos dumating ang bagong shipment ng nasabing spare parts sa depot, ay agad namang na-inspeksiyon ng mga technical personnel.
Tulad ng karaniwang gulong, nagkakaroon din ng wear o sira ang mga gulong ng tren. Mahalaga ang regular checking ng mga ito upang malaman ang mga posibleng sira at kung kinakailangan nang mapalitan.
Ang pagmimintina ng mga gulong ng tren ay mahalaga upang maiwasan ang aberya sa operasyon ng MRT-3. (MRT-3/PIA-NCR)