“Isa rin ako sa naka avail ng loan sa kooperatiba para sa aking pagtatanim at pagtitinda ng prutas at gulay na aking ikinabubuhay”, ayon kay Abando na isang may physical disability.
Ang kooperatiba ay may total equity ng mahigit P200,000. Umabot na sa 104 ang miyembro nito kasama ang mga bagong kasapi.
Sinabi naman ni Rey Antonio Bustamante, isang may kapansanan sa paa ng Barangay Del Rosario, Talisay na malaki ang maitutulong sa kanya ng kooperatiba dahil hindi na siya mahihirapan, lalo pa nga at nag iisa lamang sa buhay at walang malalapitan sa panahon ng kagipitan.
Ayon kay Senior Cooperative Development Specialist Manuel C. Odi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), tinutulungan ng Philippine Cooperative Code of 2008 ng Republic Act 9520 ang mga indibidwal na gustong maging miyembro ng isang rehistradong kooperatiba. Kinakailangan lang anya na dumaan muna sa Pre-Membership Education Seminar ang mga ito.
Ang kooperatiba ay naghihikayat rin para sa mga pamilya ng PWDs, kaibigan o kakilala at kahit walang kapansanan na maaaring maging miyembro ng naturang kooperatiba. (PIA5/Camarines Norte)