Kasabay ng paglulunsad ay ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng DICT na kinatawanan ni Ortega, DICT Oriental Mindoro provincial officer Engr. Norly A. Tabo at ni Mindoro State University officer-in-charge, university president Dr. Christian Anthony Agutaya at mga opisyales ng paaralan para mapabilang sa hanay ng Tech4ED center na siyang mapapakinabangan ng mga mag-aaral ng nasabing unibersidad.
Ayon kay Ortega, ang center ay mayroong iba’t ibang model na naka base sa mga public libraries, pamahalaang bayan ng lungsod at sa barangay na patuloy na dumarami ang bilang upang mapabilis ang pagsulong ng bansa tungo sa 'digital and education divide'.
“Bilang katuwang ng Mindoro State University ang DICT, layunin ng paglalagay ng center ay makapagbigay ng karagdagang materyales sa pag-aaral ng mga estudyante pati sa mga guro upang makapasok sa Cisco Academy ng libreng kurso sa basic at intermediate na kung saan ay narito ang mga tinatawag na emerging contents na siyang mapapakinabangan ng mga mag-aaral,” dagdag ni Ortega.