No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Hog raisers na apektado ng ASF sa Nueva Vizcaya, tumanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan

Tumanggap ng tulong mula sa Nueva Vizcaya PLGU ang mga hog raisers na apektado ng African Swine Fever. Ang tulong ay hango mula sa Quick Response Fund ng PLGU. Photo Courtesy of NV PLGU

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) — Tumanggap ng tulong pinansiyal ang mga hog raiser na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya mula sa lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Governor Jose Gambito ang pamamahagi ng ayuda sa mga 158 na hog raisers sa Ammungan Hall bilang bahagi ng indemnification assistance ng PLGU sa mga negosyanteng naapektuhan ng ASF.

Nasa P8 million ang halaga ng ibinigay na tulong  mula sa Quick Response Fund ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong hog raisers kung saan P2,500 hanggang P5,000 ang tinanggap ng bawat isa.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Patricio Moreno ang mga hog raiser na nabigyan ng tulong ng PLGU ay mula sa bayan ng Bambang, Bayombong, Solano, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Sta. Fe Kayapa, Quezon, Diadi, Kasibu, Aritao at Bagabag.

Dagdag pa nito, patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaang lokal ng Nueva Vizcaya sa mga hog raiser sa lalawigan.

Ipinaalala pa ni Moreno ang pagtutulungan ng bawat isa at maigting na pagbabantay at pagsasagawa ng ASF prevention measures ng mga hog raiser upang maiwasan ang dagok ng ASF sa kanilang negosyo. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch