Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang Kasaysayan ng Pagtatalang Sibil, Background of Civil Registration Month, Information on Processing of Vital Events Registration, Information on Republic Act No. 9858, Legitimation, Information on Republic Act Nos. 9048, 9255 & 10172 at ang Information on Processing of Court Decress.
Sa talakayan ay binigyan diin ni Opis, ang malaking papel na ginagampanan ng mga kalihim ng barangay sapagkat sila ang higit na nakaaalam ng sitwasyon, problema at hinaing mga mamamayan na kanilang nasasakupan.
“Iyon pong serbisyo ng lokal na pamahalaan ay hindi lamang dapat nakatuon sa mismong mga kliyente, kasi katuwang po namin ang LGU, ang Local Civil Registry Office at kayo, bilang mga barangay secretary sa pagpapatupad ng pagtatalang sibil. Kasama n’yo po kasi iyong mga tao sa barangay, kayo po iyong nakakakilala sa kanila, kung sila po ba ay may problema sa kanilang mga dokumento, paano n’yo po sila matutulungan? Ito po ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tamang impormasyon na ibinabahagi ng LCRO," pahayag ng hepe ng PSA-Marinduque.
Sinabi naman ni Mayor Livelo na dapat ay araw-araw na isabuhay ang pagdiriwang ng Civil Registration Month sapagkat dito nakasalalay ang legal na pagkakakilanlan ng isang mamamayan ng bansa.
"Bata, matanda, mahirap o mayaman, anuman ang katayuan sa buhay, lahat po ay daraan sa PSA. Mula ng tayo ay isilang, ikasal hanggang sa mamamatay, kailangan itong maidokumento sa ating talaang sibil. Kaya ang ating pong lokal na pamahalaan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa kanilang ahensya para mapabilis ang transaksyon at pagkuha natin ng birth certificate, marriage contract, death certificate, at iba pang mga dokumento sa Philippine Statistics Authority," wika ng alkalde.
Bago matapos ang kapihan ay binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na makapagtanong sa mga MCR para mabigyang-linaw kung paano mareresolba ang mga problemang idinudulog ng kanilang mga kabarangay habang nagkaroon din ng maikling quiz bee at on-the-spot slogan contest na sinalihan ng mga piling kalihim mula sa iba't ibang barangay. (RAMJR/JZR/PIA Mimaropa - Marinduque)