No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BSP sa publiko: Mag-ingat sa text message na nagpapanggap na galing PHLPost

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga text message na nagpapanggap na mula sa Philippine Postal Corporation o PHLPost.

Ayon sa BSP, ang mga text message ay naglalaman ng instructions na kumpirmahin ang inyong address sa pamamagitan ng pag-access sa website o pagsagot sa text message para i-activate ang link.

Paalala sa publiko na huwag itong sagutin!

Upang malaman o ma-track ang inyong delivery o para sa iba pang katanungan, bisitahin ang opisyal na website ng PHLPost https://phlpost.gov.ph/ o Facebook page https://www.facebook.com/PHLPost.

I-report agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account, credit card, e-wallet o personal na impormasyon. Ang mga bangko at e-money issuers ay naatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang kani-kanilang consumer assistance mechanisms. Ito ang directory ng mga consumer assistance channels nila: https://www.bsp.gov.ph/.../Inclus.../ConsumerAffairsDir.aspx

Maaari ring i-report ang mga scammers sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/

• Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: Landline +63 ( 723-0401 local 7491 o Cellphone 0961-829-8083 and 0915-589-8506.

Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)

2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM.

Protektahan ang sarili mula sa scam at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang #CPR - #CheckProtectReport (BSP/PHLPOST/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch