Photos

Gale warning itinaas ng DOST Pagasa sa baybayin ng Hilagang Luzon

Gale warning itinaas ng DOST Pagasa sa baybayin ng Hilagang Luzon

GALE WARNING SA HILAGANG LUZON. Ipinakikita ni Weather Specialist Benison Estareja sa ika-5 ng umagang forecast ng DOST Pagasa ang mga lugar na mayroong babala ng hanging hagunot (di pangkaraniwang hangin sa karagatan o Gale Warning) sa Batanes, Cagayan at sa hilagang baybayin ng Ilocos Norte. Ayon kay Estareja, posibleng umabot sa halos dalawang palapag na gusali (limang metro) ang taas ng mga alon sa nasabing lugar dahil sa epekto ng mga bagyong Henry at Gardo at mapanganib sa mga papalaot gamit ang bangka o maliliit na sasakyang pandagat. (Hango sa press briefing ng DOST Pagasa kanilang ika-5 ng umaga)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch