




Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) ang Pinas:The Basura Buster (PBB) game app sa Kalumpang Elementary School, Marikina City noong Martes, Enero 31, 2023.
Nakiisa ang Philippine Information Agency Puppet Theater (PIA-PT) upang magbigay ng kasiyahan at aral sa mga mag-aaral na nasa ikatlong baitang.
Kanilang ipinamalas ang isang puppet play na may titulong “Inang Kalikasan na may aral tungkol zero waste management at climate change.
Photos: Ramil Maningas - PIA CPSD


