Photos

PIA Puppet Theater nagtatanghal sa Palawan para sa Dengue Prevention Month

PIA Puppet Theater nagtatanghal sa Palawan para sa Dengue Prevention Month

Ang Philippine Information Agency Puppet Theater (PIA PT) ay kaisa ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) MIMAROPA sa kanilang advocacy at mga social mobilization activity tungkol sa dengue prevention and control sa iba’t ibang munisipalidad sa Palawan mula June 13 hanggang 16, 2023.

Nagtanghal ang PIA PT ng isang play na may titulong “Dengue” upang magbigay ng kasiyahan at aral sa mga mag-aaral. Ito ay tungkol sa pagsugpo sa nakamamatay na dengue at nagbibigay kaalaman ng mga dapat gawin para ito ay maiwasan.

Sa umaga ng June 13, nagtanghal ang PIA PT sa Rio Tuba Central School at sa Leonides Memorial School naman sa hapon sa munisipalidad ng Bataraza, Palawan.

Abangan ang PIA PT sa kanilang mga susunod na pagtatanghal sa iba pang lugar sa Palawan. Sa June 14 ay sa Taytay; June 15 sa Roxas; at sa June 16 sa Puerto Princesa City.

Photos: Ramil Manigas – PIA CPSD

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch